LAKAS MAKA-PAOLO BALLESTEROS NI JASON. HAHAHAHA.
O AYAN KEITH OH. HAHAHAHA!
Trending eh. =))
Trending eh. Hahahaha.
IYA VILLANIA. SORRY NA. HAHAHA.

- EXCUSE MY FACE. HAHAHA. Tinotopak ako niyan. Chura. PMS. As in buong magdamag nagdadabog ako tas umiiyak ako. Sobrang iritable kasi talaga ako, tas moody. Hindi ko makontrol pagkainis ko. Mula 11PM - 6AM wala kami iba ginawa kundi umiyak at mag-away. Pero kalaunan syempre naging okay din naman kami. Kung mapapansin niyo sa 2nd picture, umiiyak si Jason. Sinusuyo kasi niya ako kaya niya hinahawakan yung paa ko. Ganun siya manglambing e. Haha.
- RF: paborito ni Jason hawakan at kagatin yung paa ko. Maliit daw kasi tapos mas maputi pa daw sa mukha ko. HAHAAHHA. Tanginis, insulto. Kapag magkasama kami, una pa niya tinitignan yung paa ko. Kaya dapat lagi malinis kasi kahit nasa bus kami, tatanggalin niya sa sapatos yun tapos hahawakan at lilinisin niya. Pag sa bahay naman, kinakagat niya. Kahit sa kamay, madalas niya papakin yung kuko. Hahahaha. Way niya yun para manlambing e. Ganun siya :)
Pakiramdam ko kasi kahit gaano kaganda at kasexy yung babae, walang kwenta at walang appeal yun kung bobo. Bobo in a way na puro kaartehan at pagpapaganda lang alam tapos tamad mag-aral. Kahit kanino niyo itanong, nakakaturn-off talaga.

Kausap ko yung tita niya, piniem ako. Me problema kasi kami nila Jason (private) kaya halos mangiyak ngiyak ako na hindi ko na alam gagawin ko. :( Sana maging maayos na lahat kasi lahat kami damay. Gusto ko na ngang sumuko e, ilang linggo na kasi namin pinagaawayan to ni Jason. Pero hindi talaga, kayang kaya ko to. Tangina, problema lang yan.
Pinalitan ko yung DP ni Jason sa Facebook, hindi ko naman ugali mangealam ng messages niya (duh privacy) pero nagulat ako nung nagpop-up ung usapan nila ng tita niya (mother side) sa chatbox.
Binasa ko ung usapan ng tita nila na medyo nagpagaan naman ng mood ko. HAHAHAHAHA.

HAHAHAHAHAHAHA. Ohh, siya maliligo na ko. Goodafternoon!
RF: Ayoko ng math, pero favorite subjects ko ang Chemistry at Physics.
Kapag pangit yung sulat ko, ibig sabihin talagang nakikinig ako sa subject. Hirap din ako magsulat ng walang red ballpen e. Gusto ko, kapag seatwork or after ng quiz, red din yung pang check nila or ibang kulay. Naiirita kasi ako pag hindi, kahit ngayong college. HAHAHA. Panget ng sulat ko nung HS, madiin talaga, bumabakat hanggang 3 page! Yan ung notebook ko at testing booklet (for quiz).
Kapag may hindi ako nagets, automatic papaturo agad ako sa kaklase ko. Hindi ako kuntento ng hindi kumpleto lecture ko lalo pa’t paborito ko yung subject. Kaya tignan niyo, magulo na yung notebook. Pero sa totoo talaga, maayos yan. Madiin nga lang kasi talaga ako magsulat.
Yan yung ilan sa quiz ko sa Physics, wala na yung Chem e. Nakalakal na ata :| :)) Ayoko ng Math, sinusuka ko talaga yun. Pero kapag yung Physics at Chem na usapan - kahit nahihirapan ako matiyaga ako mag-aral. Hindi ko talaga alam bakit pero kahit 2 hours yung klase niyan almost 3 times a week, hindi ko tinutulugan. Nagegets ko agad, kaya yan.
Hindi naman porket hindi magaling sa math e bobo na sa ibang bagay, sa Physics at Chem kasi mas feel kong interesting. Kahit wala akong tulog kaka-aral niyan, okay lang. Hindi rin kailangan na matalino ka talaga eh, basta meron kag sipag at tyaga solb at siguradong makakapasa ka na :)
Sayo na. HAHAHAHAHA.
- Years yung ideal relationship ko. Hindi ako nagcecelebrate ng monthsary, kasi sabi ng mom ko, kung naniniwala naman daw akong magtatagal kami, anniversary ang official na sine-celebrate. Almost 4 years kami nung ex ko, kami naman ni Jason e magi-isang taon na. Hindi ako basta basta pumipili ng lalaking alam ko na hindi ko mahal at hindi ko gusto. Yung alam ko na hindi magtatagal.
- Oo nga sige, naniniwala ako na hindi sukatan ang tagal para masabi na nagmahal ka ng totoo, pero isa yun sa basehan kung paano ka magmanipula ng relasyon.
- Yung “pwede ba manligaw”? Bullshit yon. Kapag nanliligaw ang isang lalaki, ipinaparadam yon, hindi sinasabi. Oo nga, may mga manhid na tao pero hindi naman sila tanga para maging clueless na nanliligaw yung tao sa kanila. That word should be replaced as “Mahal na kita, gagawin ko ang lahat para mahalin mo din ako.”
- I don’t believe in online love. LDR, oo naniniwala ako kasi nagkita na sila before. Paano ko ipapakilala yun sa magulang ko kung siya mismo hindi ko pa nakikita? First concern ko kasi is yung magiging reaksyon at pagtanggap ng magulang ko. Madaming nagattempt na manligaw sakin, pero sa online lang sila. Kaya hanggang dun lang sila :)
- Wala akong relationship na hindi naging legal. The moment na umamin na sakin yun guy at gusto ko din talaga siya, e pinapakilala ko na sa magulang ko. Sa mom ko muna, then sa dad ko. Nung 1st year highschool ako sa ex ko, syempre pinagalitan ako ng mama ko. Pero desisyon ko yun e, nandiyan lang siya para gabayan ako. Lumaban ako kahit alam kong wala akong alam at karapatan! Bakit? Kasi mahal ko siya at mahal niya ko. So hinayaan niya lang ako. Kinausap niya lang yung mom ng ex ko. Pero sobrang mahigpit yung mom ko before. Ngayon, okay na :) Hindi kasi ako kumportable na may tinatago ako sa magulang ko.
Parang kapag may tinago ka kasi sa kanila, kahit lantad kayo sa ibang tao parang “secretly on” parin kayo. Tsaka, sila yung nagpalaki sa’yo, dapat makilala nila yung taong minamahal niyo ngayon, kahit gaano pa kahigpit yung magulang niyo, may karapatan silang malaman yun. Sila kasi yung “nakakaramdam” kung tama ba yung lalaki/babae na para sa inyo, minsan kasi may badvibes sila e. Kung alam niyong paghihiwalayin lang kayo, then stand up for what you believe! Ipaglaban mo. Patunayan mo sa kanila na hindi masisira ang pag-aaral mo at hindi ka lalampas sa limitasyon mo. Wala silang ibang hinahangad kundi yung kaligtasan MO at ng PUSO mo. Makinig kayo sa kanila, promise. Mas madami silang napagdaanan.
- Ayoko nung papasok sa relationship para lang may masabing girlfriend sila at may boyfriend ako. Kaya ka nga pumapasok sa isang relasyon kasi gusto mo KAYO na ng mahal mo, hanggang dulo. Sadly, hindi nag-succeed yung relationship namin ng ex ko but I know what we had was real. Nagtagal naman kami and I tried my best to win him back, pero waley e.
- Don’t answer back “Yes, tayo na.” Rather, I love you too. Si Jason, sinagot ko with a kiss. HAHAHAHA. Ang corny lang. Nung 1st year ako, natatandaan ko sinabe ko sa kanya mahal ko na din siya. Crush ko na kasi si Ex before pa maging kami, HAHAHA. Di ko naman inaasahan na magtatagal kami ng ganun.
- Madami akong natutunan sa past ko na in-apply ko ke Jason ngayon, masasabi ko na pinahirapan ko talaga siya. Yes, intentional yun. Naging manhater kasi ako before. So far, kinaya niya naman lahat eh. Hindi ko naman inaasahan na yung lalaki na dadating after sa ex ko e para sakin na talaga :)
- I don’t fall for words, I fall for actions.
Point of view ko lang to ha.
Huling beses ko na sasagutin ko. Hindi naman kasi ganun kaputi yung akin, pero sapat na para hindi ikahiya.
- Hindi kasi ako gumagamit ng deodorant, kasi isa yun sa cause ng pag-itim ng kilikili. Kung sakaling gagamit ka man, yung Dove na deo yung gamitin mo kasi nakakaputi yun. Alcohol yung gamit ko sa underarm ko. Nung una, medyo naninibago yung kilikili ko. Kapag nag-alcohol ka. Expect mo na lagi mamamawis kilikili mo dahil hindi naman un antiperspirant. Pero walang amoy.
- Gumamit ka ng calamansi after mo maligo. Ipahid mo sa kilikili mo yun, pwede din sa siko at tuhod yun. Mahapdi yun pero nakakaputi talaga. Everyday dapat yun.
- Iwasan ang pagseshave at pluck. Pahabain mo muna yung buhok sa kilikili mo para isang tanggalan nalang para maiwasan ang chicken skin at pangingitim. Pwede din magpa-wax. 100 pesos lang yun at home wax, sa Watsons. Andun na din yung steps.
Yan lang yung ginagawa ko e. So far so good. HAHAHAHAHA.
Me pinagdaanan e. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ui di naman ako ganun. :)
Mwa. Sige anon. Nextime bigyan mo ko topic. Nauubusan na ko e. Labyu ♥
Mahirap yung sinasabihan ng mahal pa kita. Babalikan kita. Take note. Kung mahal ka talaga ng taong sinasabi mo, he could not bear to see you in that situation. Na umiiyak ka, na nasasaktan ka, na nag-iintay ka. Maawa ka naman sa sarili mo. Huwag natin pagkaitan yung taong minamahal natin ng pagkakataon na maging masaya, kung hindi na nila ito makita sa atin, mahirap man ngunit kailangan. Higit sa lahat, wag natin pagkaitan ung sarili natin magmahal at maging masaya ulit.
Dumating siya sa buhay mo para turuan kang maging matatag at matutong magmahal at umalis siya para bigyan ka ng leksyon na lahat ng bagay, maganda man o hindi, naglalaho. Minsan, tama na yung pagiging tanga at bobo diba. Matutuo tayo tanggapin yung hindi na pwede ibalik. Kung mahal ka talaga. Hindi lng puro salita, patutunayan nya.
Ilang beses ko na tong narinig at ilang beses ko na tong sinabe. Pero hindi pala ganun yun. Kapag nagmahal ka, ibibigay mo ang sarili mo - buong buo ng walang hinihinging kapalit. Masaktan ka man o magsakripisyo para sa taong mahal mo, gagawin mo yun dahil sila ang gusto mong makasama kaya handa kang gawin lahat para sa kanya. Nakakapagod no? Pero sigurado ako na kapag fair kayong dalawa at balanced ang relasyon niyo, malamang hindi mo mararamdaman ang pagod. SAYA at pagnanais pa na mas lalo mong mapasaya ang kapareha mo.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may mga tao na sa sobrang pagmamahal nila, nate-take for granted sila dahil iniisip ng karelasyon nila na hindi sila kayang iwanan.
Madalas, sinusumbat natin sa taong sinukuan tayo na “Di ba mahal mo ko? Bakit ka sumuko? Bakit mo ko iniwan?” Ang puso, napapagod din. Napapagod maging tanga, lumaban, umiyak, masaktan. Minsan ang tanging paraan para maisalba nalang ang pagmamahal sa sarili ay sumuko. HIndi ibig sabihin nun ay mahina ka, kung hindi ito ay nagpapatunay lamang na tapos ka ng lumaban at naibigay mo na ang lahat ng maibibigay mo. Na ubos at pagod ka na… Na dapat ka na din magpahinga.
Hindi sa lahat ng oras kaya tayong intindihin at pakisamahan ng taong nasa paligid natin kaya matuto tayong pahalagahan sila at ingatan ang nararamdaman HABANG MAHAL PA NILA TAYO dahil once na sumuko na sila ng tuluyan sayo, wala ka ng maibabalik pa.
IBA MAPAGOD ANG TAONG IBINIGAY ANG LAHAT. Sinisigurado ko sayo na kahit gaano ka pa man niyan kamahal dati, sa oras na mauntog sila, wag ka ng umasang may lilingunan ka pa.


